Checkpoint Rules (Filipino)


Alamin ang inyong karapatan

POLICE/MILITARY
CHECKPOINT RULES

1. Ang lahat ng checkpoint ay kailangang isagawa ng mga unipormadong kagawad ng militar at pulisya, dapat din agad na matukoy ang kanilang pagkakilanlan. Ito ay dapat isagawa sa lugar na may sapat na liwanag.

2. Sa oras na paglapit sa checkpoint, hinaan ang inyong headlights, kung pinatabi, bahagyang buksan ang inyong bintana. Magalang na batiin ang kagawad ng pulisya, agad na tingnan at tandaan ang nameplate nito. Panatiliin ang eye contact.

3. Isaradong mabuti ang lahat ng pintuan ng sasakyan. Kausapin lamang ang kagawad ng pulisya sa isang bahagi ng sasakyan.

4. Habang sumasailalim sa checkpoint, may mga katanungang routine na maaring isagawa. Maging magalang ngunit maging tiyak sa inyong mga kasagutan.

5. Ang maituturing lamang na ligal ay ang tinatawag na visual search. Tanggap ang paggamit ng flashlight at maaring buksan ang cabin lights. Hindi obligado ang motorista na buksan ang glove compartment, trunk o ano mang bagahe na nasa loob ng sasakyan.

6. Hindi obligado ang motorista na buksan ang mga pintuan ng sasakyan. Huwag lumabas ng inyong sasakyan.

7. Ilagay ang inyong lisensya at rehistro ng sasakyan sa lugar na madali niyong makuha.

8. Iwasan ang ano mang uri ng argumento. Gamitin ang isip. Igiit ang inyong karapatan ngunit hanggat maari ay tumugon sa proseso ng checkpoint.

9. Laging ihanda ang inyong cellphone. Tiyakin na naka-set sa speed dial ang emergency number.

10. Agad na isuplong ang ano mang paglabag. Ang inyong agarang aksyon ay maaring magsalba sa inyong kapwa.

Post a Comment